The Pinoy Chuva

September 12, 2009

To The 2010 Presidentiables and other Candidates and Potential Nuisance Candidates

Filed under: Uncategorized — thepinoychuva @ 8:25 am

Sa mga tatakbo sa halalan ng 2010.

Alam ko at alam na ng buong sambayanan na galit kayo kay PGMA.

Ako rin mismo ay galit kay PGMA dahil unang-una binoto ko siya noong nakaraang halalan. Pangalawa, nabola niya ako dahil magaling pala siyang mag-ballroom dancing pero nandiri ako noong naglambada sila ni FG Mike Arroyo. Tumatayo ang aking balahibo tuwing maaalala ko yun.

Pangatlo, naiimbyerna ako sa kanya dahil sa ‘I am Sorry’ speech niya,  sa ZTE Broadband Deal, sa Fertilizer Fund Scam,  sa Northrail Project, sa pagdukot kay Jun Lozada, sa mga steak dinners na umabot sa humigit kumulang na Php1M habang si Obama ay kumakain ng burger sa isang fast food chain, at sa paghukay ni Mikey Arroyo sa kanyang libingan dahil sa kanyang pinakitang katangahan sa pagpapaliwanag ng kanyang paglago ng kanyang kayamanan noong nag-guest sa Unang Hirit.

Pang-apat at panghuli dahil pinaiyak nila si Kris Aquino na idolo ng aking nanay dahil sa pagbawi ng mga PSG ni dating Pangulong Cory pero si Chavit Singson ay may PSG kahit hindi pa siya nagiging Pangulo ng Pilipinas. Bongga!

roundphilippineflag

Ngayon na marami na kayong gagawin at gustong gawin kay PGMA pagkatapos niyang bumaba at kung bababa siya. Ang tanong naman ngayon, ano  ba ang plano niyo para sa bayan? Wala pa kasi akong naririnig kung ano ba talaga ang plano ninyo. Hindi ko sinasabi na mali batikusin si PGMA at mas lalong hindi ko sinasabi na tantanan niyo na siya. Gusto ko lang malinawan, ano ba talaga ang plano niyo kapag naging Pangulo at hindi panggulo ng Pilipinas? Ano ba ang short and long term goals niyo para sa mga Pilipino? I’m sure hindi lang naman si Gloria ang nagkulang bilang Pangulo.

Gusto ko rin makiusap na tigilan niyo na ang TV ads niyong pilit na gustong linisin ang inyong imahe. Kagaya nung ad ni Manny Villar. Hanggang ngayon ayaw niyang harapin at sagutin ng lubusan ang mga ‘insert’ na naganap sa C5 road extension. Akala ko ba hindi siya “trapo” at “ka-tropa” pala siya?  Buti na nga lang natigil ang mga padyak ads ni Mar Roxas na-inexploit na naman ang kahirapan ng mga Pilipino at buti na lang hindi na ulit nagbigay ng Jamby bracelets si Jamby Madrigal kahit i-deny niya na hindi siya ang nagpakalat ng bracelets.

Sa mga leader ng opposition. Opposing sa mga pagkakamali ng gobyerno at naghahanap ng tunay na solusyon sa problema ng bayan or are you just opposing each other? Hanggang ngayon hindi niyo pa napapatunayan sa amin na kayo ay para sa pagbabago at pagsulong ng mga kabutihan ng mamamayan. Hindi tuloy maiwasan isipin na puro eklatan lang ang ginagawa niyo. Puro churvahan at sariling interest pa rin. Sino ba talaga ang susulong sa inyo bilang Pangulo, Vice President, Senador, Congressman, Congresswoman, at alalay ng Congressman? Talo niyo pa ang mga contestants sa Pilipinas, Game Ka Na Ba na walang ginawa kung hindi mag-atras, abante, sulong, at back to base. Sino ba sa inyo ang kakantahan ng “babay! babay! babay!”? Paki-tandaan lamang na hindi porket ma-out kayo sa endorsement ay hindi ibig sabihin na hindi na kayo makakapag-silbi sa bayan. Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.

Kung totoo man ang hangarin niyo para sa bayan na kami’y pag-silbihan, sana maisip ninyo kung ano ang makabubuti para sa bayan. Sana sabihan ninyo kami ng maaga kung ano talaga ang hangarin at adhikain niyo para hindi na kami dumaan sa mga kudeta at People Power. Sana iniisip niyo kung anong hirap ang pinagdadaanan namin tuwing nasa trabaho kami at kumakayod para lang may ipa-suweldo sa mga taong dapat na tutugon sa mga pangangailangan namin. Sana huwag niyo na kami umayin sa paglitaw ninyo sa Wowowee at sabihin na napadaan lang kayo. Maawa naman kayo. Please lang. Keri?


1 Comment »

  1. Mabuhay ka kapatid! Ang galing ng iyong mga isinaad na mga pagiisip!

    Comment by Mayo A. G. Lopez — September 13, 2009 @ 4:12 am | Reply


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: